Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???-?????? ‘????? ????????’ ?? ?????????, ???????? ?? ????? ?? ???????

Aug
15,
2022
Comments Off on ???-?????? ‘????? ????????’ ?? ?????????, ???????? ?? ????? ?? ???????
???-?????? ‘????? ????????’ ?? ?????????, ???????? ?? ????? ?? ???????; ???? ?????????? ?????????? ?? ????? ?? ???????? ????????? ?? ????? ??????? ????????? ?? ????????? ??? ?????? ?? ????? ??????? ?? ?.? ?????? ?? ???? ???? ?????????
Binuksan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Asingan ang pang limang ‘Balay Silangan’ Reformation Center sa lalawigan ng Pangasinan ngayong lunes ng umaga August 15.
Ang reformation center ay ipinatayo sa MRF Site sa Sitio Cabaruan, Barangay Bantog sa bayan ng Asingan.
Ang community base rehab center ay bahagi ng inísyatíbo ng ahensya para gawing drug free ang lahat Ng barangay sa bansa.
Sa talumpati ni PDEA Provincial Officer Rechie Camacho, muli nitong ipinaalala sa mga opisyales ng barangay ang kanilang malaking kontribusyon sa pagsugpo sa iligal na droga sa pamayanan.
“Huwag natin pabayaan na mapasukan pa po tayo, like ang nangyari kung maalala niyo fews days ago. Nagkaroon po tayo ng malakihang anti-drug operation sa bayan ng Pozorubio, which is ang involved na drugs is worth billion hind lang po million – billions. Kung hindi natin yun nasawata, mantakin niyo kung ilang daan libong kabataan ang kanyang sisirain.” pahayag ni PDEA Directo Camacho.
Siniguro naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na hindi dito nagtatapos ang malaking hamon pagdating sa kampanya kontra iligal na droga.
“Hindi nangunguhulugan na mayroon tayong facility eh magpabaya na tayo, nangangahulugan ito na talagang seryoso tayo dito sa Asingan. Na ma- eradicate at totally na wala ng maging biktima itong drugs sa ating bayang.” saad ng alkade.
Dalawang reformists ang ipapasok sa Balay Silangan at sasailalim sa “reformation program” kung saan sa naturang pasilidad, isinasailalim ang mga ito sa moral recovery program, life skills, livelihood programs, continuing education at values formation.
“Masaya ako dahil nabigyan na talaga siya ng reality [balay silangan] malaking tulong ito kasi magkakaroon ng pagkakataon yung mga gustong magreform, na magbago para sa kanilang pamilya at sa bayan. ” ani ni Vice Mayor Heidee Chua.
Dumalo sa inagurasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan, mga empleyado ng LGU Asingan, PLTCOL Ricky Camesola bilang kinatawan ng Pangasinan PPO, PNP Asingan sa pamumuno ni PMAJ Napoleon M. Eleccion Jr., BFP Asingan sa pangunguna ni INSP Rogelio S. Quizon Jr., Dr. Jesus Cardinez ng MDRMMO, Municipal Local Government Operations Officer Catherine Velasquez, Jess Salagubang, Vocational School Administrator III ng TESDA LMMSAT at mga barangay officials.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top