Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???’? ????? ???????? ??? ????????? ?? ????? ?? ???????, ??????? ?? ????? ?? ???????

Nov
8,
2022
Comments Off on ???’? ????? ???????? ??? ????????? ?? ????? ?? ???????, ??????? ?? ????? ?? ???????
Sa bayan ng Asingan, hindi lang kasa-kasama sa bukid ang mga kalabaw at di na lang din pinagkukuhanan ng gatas, dahil ang karne nito pwede na ring pamalit sa karne ng baka at baboy.
Siomai, skinless Longganisa, Dumplings, Tapa at Frozen Bulalo, ilan lamang yan sa mga putaheng inihain ng dalawampu’t siyam (29) na miyembro ng Bantog Samahang Nayon Cooperative na nagsipagtapos sa labing tatlong (13)araw na training sa carabeef meat processing ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) LMMSAT.
Habang nagbigay naman Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan sa ilalim ng comprehensive agrarian reform program (CARP) ng Shared Service Facility (SSF) sa kooperatiba na nagkakahalaga ng nasa halos walong daang libong piso (P800K) para sa operasyon ng pag proproseso ng carabeef.
“Actually last 2021 sila nag start ng skills training, pero this year very special kasi na-arwardan sila ng shared service facility for meat processing. This is first in Eastern Pangasinan and DTI is not hesitant kasi nakikita natin na malaki ang potential nitong carebeef meat process for other markets.” ani Region Abalos, ang Senior Trade Industry Development Specialist ng DTI Pangasinan.
Pinuri naman ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten ang kooperatiba dahil na rin sa pagpapahalaga nito sa bawat miyembro ng grupo.
“Continuous yung ating assistance sa kanila, kasi nakita natin how the cooperative run their operation. Nakita natin yung sipag, sincerity at yung pagkakaisa ng mga members dito. Isang malaking patunay yan nuh, yung lahat ng kanilang mga activities. Nakita natin na marami silang natulungan na mga miyembro at marami silang trabaho na na-create sa kanila.” pahayag ni Dalaten.
Kapwa naman hinimok ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua na ipagpatuloy ng Bantog Samahang Nayon Mutli-Purpose Cooperative ang pagdalo ng mga training at mga livelihood activity upang mas mapayabong pa ang kaalaman upang lalong lumaki ang kanilang negosyo.
Labis ang pasasalamat ni Bantog Samahang Nayon Mutli-Purpose Cooperative Chairman Rolly Mayeo Sr. sa natatanggap na suporta ng kanilang kooperatiba mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno pati na rin sa lokal na pamahalaan ng Asingan at ipinangakong palalaguin ang biyayang ito bilang ganti sa pagsisikap ng mga kawani na nagtulung-tulong para maisakatuparan ang proyektong ito.
Bukod sa nasabing kooperatiba ay tinutulungan din ng DTI Pangasinan iba pang kooperatiba sa ika-anim na distrito tulad ng Calapugan Agrarian Reform Cooperative sa Natividad, Magandang Buhay Producers Cooperative sa San Quintin at Maresma Multi-purpose Cooperative.
Dumalo din sa aktibidad sina Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, TESDA LMMSAT Administrator Jesus Salagubang at Philippine Carabao Center-Don Mariano Marcos Memorial State University Officer in Charge Dr. Vilma Gagni.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top