??? ???? ?? ????????? ?? ?????????? ???? ?? ???????? ???? ???? ?? ???? ?? ??? ??????????; ??????? ??? ????? ??????????? ?? ??? ?????? ?
Nanindigan si Pangasinan PNP Provincial Director Police Colonel Ronald Gayo sa kanyang pagbisita sa bayan ng Asingan na wala pa silang namo-monitor na election hotspot sa buong lalawigan Pangasinan ngayong papalapit na elekyon 2022.
“So far wala naman dahil kung may mga shooting incident man tayo sa probinsya wala naman ni isa na nagsasabi na ito ay politically related incident.” ani ni Provincial Director Gayo.
Bumisita kamakailan si Provincial Director Police Colonel Ronald Gayo sa Asingan upang personal na tutukan ang isang kaso ng shooting incident.
“Everytime na may insidente linalapagan ko rin kaagad yan, kasama ang mga investigation officer natin from the provincial office, ang ating legal officer inaayos kaagad to assist kung sinoman ang police station na concern para ma-assist sila at maging air tight yung kaso.” dagdag ni Provincial Director Gayo.
Samantala tiniyak ni PNP Regional Director, Police Brigadier General Emmanuel Peralta sa kanyang panayam sa programang Kapihan sa Ilocos ng Philippine Information Agency Region 1 na sa ngayon ay wala pa silang nakikita na immediate area of concern patungkol sa private armies sa rehiyon uno.
“Basta nakahanda lang tayo, sa katunayan nga noong nakaraang dalawang buwan ay may nahuli tayo na miyembro ng Magpali Group. By history ito kasi yung isang private arm group na nag ooperate dito sa La Union at ibang bayan dito sa atin region nakuha natin yung tatlong miyembro niya na-filelan natin na kaso at kasalukuyang nakakulong dito sa Provincial Jail. Yung ilang grupo ay tinitignan pa din natin pero sa ngayon ay masasabi natin na tahimik at wala tayong nakikitang banta dito sa seguridad ng Ilocos region.” pahayag ni PNP Regional Director Peralta.
Maalalang noong eleksyon 2019 ay pumalo sa siyamnaraan at apatnapu’t walong (948) lugar sa buong Pilipinas ang itinuring na election hotspot ayon sa COMELEC at PNP.
Habang napabilang naman ang rehiyon uno sa green category o mga lugar na no security concern at are relatively peaceful and orderly.
Romel Aguilar / Photo PIA Region 1 JC Aying