Binuksan kamakailan sa publiko ng Panpacific University ang kauna- unahang state of the art nursing laboratory sa Region 1.
Makikita sa loob ng digital classroom ang mga equipment gaya ng dialysis machine, body interact virtual patients at hi-tech mannequins.
“Why do we have state of the art mannequin that interacts with the student? kasi nakakatakot na rin sa ospital. Saka maghahanap ka pa parati ng magca-cardiac arrest or magkakaroon ng covid, para makapag-simulate ka ng learning for a particular patient. So dito pa lang, bago mo sila pakawalan sa real world or experience ng actual cases, meron na silang training at competencies on how to handle it atleast through simulation.” pahayag ni Dr. Carl Balita.
Sa ngayon , ang Panpacific University sa pamamamagitan ng Dr. Carl Balita Institute of Health Sciences ay namimigay ng scholarship para sa lahat ng mag-aaral na interesadong mag aral ng nursing at pharmacy.
“Alam naman natin na kapag sinabing Filipino nurse or Filipino professional Pharmacist yan, ito ay mataas na kalidad at tinitingala sa buong mundo. Kaya dito sa Panpacific University kailangan din nating itaas ang antas ng serbisyo at yung ating pride bilang isang Pilipino. Dahil hindi lang tayo isang Pangasinense, tayo ay Pilipino. Na nagpapatunay na ang lahat ang Filipino nurses or health professionals ay may kalinga, at ito yung hinahanap-hanap ng ibang pasyente sa buong mundo.”pagmamalaki ni Dr. Engelbert Pasag, Panpacific University Chief Operations Officer.
Sa mga gustong mag apply ay bisitahin lamang ang kanilang official facebook page https://www.facebook.com/panpacificu.