????? ? ??????? ?????? ?????????? ?????????? ???? ?? ????, ??????????? ?? ??? ???????????? ?????? ?? ???????
Umabot sa kabuuang dalawang milyon isangdaan pitumput limang libo (P2,175,000) pisong cash assistance ang naipamahagi para sa mga rehistradong vendor sa ilalim ng Social Amelioration Program – Livelihood Assistance Grant (SAP-LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Dapat yung negosyo niya meron, existing bago magpandemic mula January to February ng 2020 kapag tumigil siya ng 2019 hindi po pwede. And then after po niyan meron pong validation na magaganap po, tapos final assessment taga Region [DSWD] po yung magvavalidate, para i-assure na yung unang validation ay tama po yung na i-declare at yung information po ay tama.” ani ni Mark Vince Brillantes, Project Development Officer ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Nasa dalawan daan at siyamnapu (290) na mga rehistradong vendor na pumasa sa validation ng DSWD ang nakatanggap ng tig P7,500.
“Lahat po ng nagdeclare na vendor yung list finorward po namin sa barangay, barangay po yung namili kung sino po yung mga bibigyan gawa po ng limited po ang slot so meron pong bilang kung ilan ang per barangay ang mabibigyan. Ganun din po si Kapitan huwag po natin sisihin, kasi alam ko po na ang mga barangay captains gustong bigyan lahat ng constituent nila. Pero dahil limited nga po ang budget hindi po nila magawa, kaya po sana intindihin po ninyo na mahirap din po itong ginagawa namin dahil hindi lahat nabibigyan po.” saad ni Brillantes.
Nagpaalala naman si Mayor Carlos Lopez Jr. at ang DSWD na gamitin sa tama ang natanggap na ayuda para sa pagsisimula ng negosyo.
“After 3 months pupuntahan po sila bahay-bahay at imomonitor kung sila ba ay nagtitinda pa o tumigil na, para malaman natin kung talagang pumunta ba sa negosyo. Katulong po natin ang LGU na magmomonitor sa kanila.” dagdag ni Brillantes.
“So nasa diskarte na nila kung papaano nila palaguin ito, sana mapalago nila yun ang lang ang aking hiling. at sa mga hindi po nakatanggap ng programang ito hindi po ito sana all meron po talagang piling mga recipient na kung saan mayroon mga requirements na kanilang sinunod at pinasa at ito ay naaprobahan po ng DSWD.” paalala ng alkalde
Una ng nakatanggap ang mga rehistradong vendor ng limang libo’t limang daang piso (P5,500) na inisyal na tulong mula sa ahensya.
Dumalo sa isinagawang pamamahagi ng Social Amelioration Program – Livelihood Assistance Grant (SAP-LAG) ng Department of Social Welfare and Development sina dating Congresswoman Marlyn “Len” Primicias-Agabas, Mayor Carlos Lopez Jr., Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol at Councilor Mel Lopez.