????? ???? ?? ??? ????? ?????????? ?? ?? ???-???? ?? ????????; ?????? ????? ?????? ?????? ?????-??????? ????????? ?? ?? ??????? ????
Base sa pinakahuling datos mula sa Vaccine Operations Reporting System (VORS) umabot na sa 246,159 indibidwal ang fully vaccinated na ika-anim na distrito ng lalawigan ng Pangasinan na kinabibilangan ng bayan ng Asingan, Balungao, Natividad, San Nicolas, San Manuel, Santa Maria, San Quintin, Santa Maria, Tayug at Umingan.
Habang nasa 284,565 na mga residente ay naturukan na ng unang dose ng bakuna gamit ang Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Janssen, Sinovac at Sputnik V.
Hinimok naman ni dating Board Member Ranjit Ramos-Shahani ang mga residente sa ika-anim na distrito, na gawing prayoridad ang pagtanggap ng booster shots bilang dagdag protection.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 at banta Omicron variant hindi lamang sa Pangasinan kundi sa buong bansa.
Tumanggap naman ng booster shot nitong nakalipas na linggo si dating Board Member Ranjit Ramos-Shahani kasabay ng pamimigay ng libreng facemask sa lokal na pamahalaan ng Asingan.