??????? ?? ????? ????? ?????? ?????? ?????, ??????????? ?? ??? ??????? ?? ??? ????????? ???????? ?? ??????? ??????.
Nakahanda nang ipamahagi ng Lokal ng Pamahalan ng Asingan ang inisyal na halos isang libong pakete ng relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Maring katuwang ang Municipal Disater Risk Reduction and Management Office, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua.
“I-report kaagad ng barangay kung talagang actual na bibigyan hindi yung ililista nila lahat, kasi ang bibigyan lang talaga natin yung talagang nasalanta, yung talagang binaha. Kagaya ng doon sa Toboy Riverside, part ng Coldit, part ng Sobol, Toboy Hacienda, part ng Calepaan Zone 6, Domapot Sitio Tibker at yun pang iba pa.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nakiusap naman si Mayor Lopez Jr. sa mga barangay officials na sana ay ilista lamang ang mga pamilya na talagang lubos na apektado ng bagyo, dahil limitado lamang ang stock at hindi maaring bumili ng sobra dahil marami ang masisira.
“Pakiusap namin ni Dr. Jess sana sa mga barangay gumawa sila ng maayos na report, hindi yung lista nila lahat yung buong barangay. So ngayon kung hindi natin kaya lahat ngayon bukas yung iba.” pagsusumamo ng alkalde.
Maagang inikot ng alkalde ang mga barangay para inspeksyunin at tignan sitwasyon sa mga lugar na apektado ng pagbaha.
“So expected yan dahil nagpakawala ang dalawang dam sa taas, yung Ambuklao saka Binga so mula po sa San Manuel sa may Sitio Takyen at barangay Sto. Domingo papunta po ng Toboy River natin so yun nga medyo malalim hanggang baywang ang lalim.” saad ni Mayor Lopez Jr.