Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ?????: ???????????? ?????? ??????????, ????????? ?? ??????

Oct
11,
2021
Comments Off on ???? ?????: ???????????? ?????? ??????????, ????????? ?? ??????

 

 


???? ?????: ???????????? ?????? ??????????, ????????? ?? ?????? ???? ?? ??? ????’? ???? ?? ???????
Pormal nang nai-turn over nito lamang Biyernes October 8, ng kilalang negosyante at pilantropo na si Alex Tanwangco ang isang bagong multi-purpose building para sa mga senior citizen ng bayan ng Asingan.


Ang dalawang palapag na establisyemento ay ipinatayo din bilang pagkilala at pagbibigay pagpupugay sa kanyang yumaong ina na si nanay Vering.
“Im dedicating this building to her, to immortalize also her memory and i would say that my sister Helen would agree with me that our mother Virginia is very instrumental in molding us. And at the same time it would serve a purpose for senior citizens. This is our first project with the Mayor and with the hardwork of Konse Johnymar Carig so now natapos natin. This is just a beginning of our services to the senior citizens like me, so i hope that everybody will benefit so that we can live a healthy and longer life.” ani ni Tanwangco.


Dagdag pa dito ang paglalagay sa loob ng gusali ng isang klinika na titingin sa kalagayan at pangangailangang medical ng mga matatanda.
Ayon din sa pitumpu’t tatlong taong gulang na negosyante, kabilang din sa mga isusunod na proyekto kasama ang lokal na pamahalaan ng Asingan ay ang edukasyon para sa kabataan na nasa hanay ng indigent.
“We would put up classes somewhere in Angela area, we will put up classrooms to handle the education of the indigents. I mean marami dyan ang indigents na matatalino na, sayang naman kung hindi natin ma-harvest.” saad ni Tanwangco.
Balak din niya na tulungan ang magsasaka sa pamamagitan ng pagpapagawa ng kiskisan ng palay at siya na rin ang bibili ng mga palay at pag-angkat ng bigas sa mga palengke.
Samantala pinuri naman ni Alex Tanwangco ang mga lingkod bayan sa kanilang pagkakaisa para sa Asingan.
“I heard there is a unity team, with this united cooperation, i think we will accomplish a lot in Asingan, kasi sabi nga nila in union there is strength.” dagdag ni Tanwangco.
Sa mensahe naman ni Mayor Carlos Lopez Jr. pinasalamatan niya ang dating konsehal Julita Orpiano, DSWD Officer Teresa Mamalio at kanilang mga staff sa maayos na binibigay na serbisyo para sa mga senior citizen.
“Apo nakita yun iti resulta na iti pinagkaykaysa ti maysa nga ili, pinagkakaysa kunak ta nagrigat nga rugyan datoy nga proyekto actually. It was a challenge para kanya tayo amin on how could we start this noble project for the senior citizen. Because the unity of all the people of Asingan this dream of ours came into reality. Luckily because of the hardworking members of the Sanggunian Bayan headed by our Vice Mayor and our ten councilors haan da binaybayag iti pinaka-approve na, tattan our dream is now a reality.” ani ng alkalde.
Kasama din sa mga dumalo sa okasyon sina Vice Mayor Heidee Chua, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Jesus Pico, Councilor Melchor Cardinez, Councilor Joselito Villanueva Viray at PPSK President Fiel Xymond Cardinez.
“Someday hindi lang po yan ang makikita niyo basta tulungan da kami apo tulungan niyo ti Team Unity ta nuh awan ti kontra ami diredrecho ti progreso. Namnamaan niyo apo nga datoy administrasyon tayo ipaay me amin ti ayat mi, ipaay mi amin nga oras mi, tapno mas mapapintas pay haan laeng nga serbisyo para iti senior citizen nu kitdi pati amin nga sector idtoy ili tayo nga Asingan.” mensahe ni Vice Mayor Chua.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top