Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ???? ?? ???? ??????? ????? ?? ??? ??????? ???? ?? ????? ?? ????

Mar
19,
2022
Comments Off on ???? ???? ?? ???? ??????? ????? ?? ??? ??????? ???? ?? ????? ?? ????
????? ?????????? ????? ???????? ?? ?? ???????; ???? ???? ?? ???? ??????? ????? ?? ??? ??????? ???? ?? ????? ?? ????
Bukod sa mga estudyante sabik na rin ang mga magulang sa muling pagbabalik ng limited face to face classes sa Sanchez-Cabalitian Elementary sa bayan ng Asingan.
Gaya na lamang ng tatlumpu’t tatlong taong gulang na si Mary Ann Valdez na may tatlong anak na pinapaaral sa eskwelahang ito.
“Para sa akin po ok na rin po na siguro na ibalik ang face to face kasi po yung mga bata halos wala na rin pong natutunan, kasi iba po yung turo ng teacher kesa sa nanay. Saka kami po hindi po namin talaga alam kung papaano eexplain yung ibang pag aaralan nila.” pahayag ni Valdez.
Dagdag pa ni Valdez napilitan siyang tumigil sa trabaho sa restaurant upang turuan ang mga anak sa kanilang mga module.
“Ngayon nag-stop po ako para sa mga anak ko kasi po nag oonline [class] po sila. Hindi ko naman po pwedeng iasa sa kapitbahay kasi tatlo ang anak ko, may sari-sarili po kaming anak. Kaya malaking epekto sa akin at saka syempre malaking income ang nawala sa akin, imbes na income ko na yun ibibili sana ng mga pangangailangan eh sakripisyo na lang po.” dagdag ni Valdez.
Nasa dalawandaan tatlumpot anim (236) na mga estudyante ng Sanchez-Cabalitian Elementary School ang sumailalim sa expansion ng limited face to face classes na nasimulan pa noong February 28.
“For me its high time for us to implement face to face classes kapag iisipin natin ang advantages sa mga anak natin, sa mga bata mas effective ang face to face. Advantageous yan sa mg pupils natin at the same time sa mga parents, kasi atleast medyo nagkaroon na sila ng time para sa kanilang hanapbuhay kasi andito na yung mga bata nila. Of course we have to take precautionary measures, gagawin natin lahat ang dapat gawin para sa kaligtasan ng lahat ng ating mga anak, para sa kaligtasan ng mga teachers natin.” ani ni Eva C Gonzales, Principal II ng Sanchez-Cabalitian Elementary School.
Ayon naman sa DEPED at CHED hindi pa rin daw posible ang full face-to-face classes kahit hanggang sa susunod na taon.
“You mean full face to face na anim na oras, walong oras, ang teacher at ang mga bata nagkakaharap hindi yan possibleng mangyayari. Lahat na bansa na binabantayan namin wala na yung notion na sinasabi nating full face to face, may blended component talaga” ani ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education.
Ganito din ang tingin ng Commission on Higher Education o CHED.
“We will continue with flexible learning as a policy. So, universities have the option on the delivery modes that they will use.” pahayag ni Popoy De Vera, Chairman ng CHED.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top