???? ?? ?????? ???? ?? ???????????????? ?? ??????? ???????? ???????????? ?? ????? ?????? ????? ??.
Ininspeksyon nito lamang Biyernes ng umaga ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang development ng ginagawang local access road o mas kilala sa tawag na Farm to Market Road sa barangay Cabalitian.
“Ito yung proyekto natin na umpisahan from Cabalitian going to Carosucan Sur para magkaroon tayo ng alternate road dyan sa provincial road. Nakita naman po ninyo ang sakrispisyo ng mga magsasaka na kung saan saan po sila nagbibilad ng palay, na alam naman po natin na bawal na po magbilad sa mga highway at saka sa provincial road.” kuwento ng alkalde.
Katapusan ng buwan ng Hunyo nang simulan ang nasa mahigit isang kilometrong haba ng concreting project na nagkakahalaga ng labing isang milyong piso.
“So nagkaroon po kami ng resolution ng ating butihing Vice Mayor [Heidee Chua] at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na magrequest tayo kay Congressman Tyrone Agabas na lagyan po ito ng kalsada. Napakagandang proyekto po ito ng ating butihin Congressman Tyrone Agabas kaya nagpapasalamat po kami sa kanyang agarang aksyon at nabigyan po tayo ng nakapagandang proyekto. ” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Labis naman ang pasasalamat ng walumpong taong gulang na magsasaka na si Urbano Ventura mula sa Sitio Kakaldingan, Cabalitian sa proyektong ginawa.
“Kung mag aani ako diyan kariton ang paghahakot ko, panget po ang kalsada noon. Mahirap talaga bumiyahe yang kalsada na yan bako bako pa noon, kaya malaking tulong po ito na ginawa.” saad ni Tatay Urbano.
Ipinaalam naman ng Alkalde sa mga magsasaka na maari na nilang magamit ang kalsada para sa kanilang pangangailangan.
“Atoy kakailyan nangnangrona kadakayo apo nga mannalon, datoy apo nga facility tayo palpalinis ta tattan ta mabalen tayo pagbilaggan atoyen. Ta eksakto pinaggagapas manen ket maimbitahin da kayo umay kayo agbilag ditoy apo nuh awan apo ti pagbiligan niyo.” ani ng alkalde.