Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????? ????? ???? ?? ???, ??? ?? ????? ??????? ????, ??????????? ?? ??? ???????

Jan
14,
2022
Comments Off on ?????? ????? ???? ?? ???, ??? ?? ????? ??????? ????, ??????????? ?? ??? ???????

?????? ????? ???? ?? ???, ??? ?? ????? ??????? ????, ??????????? ?? ??? ???????
Isinusulong ngayon taon ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua at Sangguniang Bayan ang pagbibigay ng karagdagang ayuda sa pamamagitan ng amelioration program para sa mga BHW, CVO at Lupon ng bayan.
“At yun na po ay magiging ordinansa, ibig sabhin kahit sino na ang uupo na mayor, vice mayor, konsehal diredirecho na yang obligasyon ng munisipyo. Kada maysa nga tawen, kada maudi nga aldaw ti tawen mangited iti pambigbig ken pangsukat iti serbisyo yu nga agserserbi idtoy ile tayo nga Asingan.” pahayag ni Mayor Lopez Jr.
Pinasalamatan naman ni Vice Mayor Heidee Chua ang nasa apatnaraan na indibidwal kasabay ng pamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kanilang sahod mula sa cash for work program na tig P2,550 bawat isa.
“Maraming salamat sa inyo kahit na tuwing Disyembre lang kayo nabibigyan ng kunting grasya andyan pa rin kayo para tumulong para po sa ating mga mamamayan.” saad ni Vice Mayor Chua.
Ayon naman kay Sheryl Bringas, Head ng Disaster Response and Rehabilitation ng DSWD Region 1 na kabilang ang BHW, CVO at Lupon ng Asingan sa apatnapu’t tatlong libong (43,000) na indibidwal na natulungan ng kanilang programa sa buong rehiyon.
“Ang cash for work po na ito ay yung mga ginawa po nila na proyekto gaya ng tree planting, communal gardening and of course andun na rin yung paglilinis doon sa kanilang mga barangay.” ani ni Bringas
Ang isininagawang cash for work program ng DSWD Region 1 sa ika-anim na distrito ay dahil sa pagsisikap at inisyatibo ni Congressman Atty. Tyrone Agabas.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top