??????? ???????, ?????????? ?? ??? ????? ?? ????????? ???? ?? ???????? ????
Bukod sa mga national candidate ay nakatuon na rin ang pansin ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa pagsisimula ng kanilang pangangampanya ngayong Biyernes March 25.
Sa pag-arangkada ng kampanya ng mga lokal na kandidato sa eleksyon 2022, sisimulan na ring i-monitor ng COMELEC ang mga lalabag sa kanilang mga panuntunan.
Kabilang sa mga pupuntiryahin ng ahensya ang mga campaign material na nauna ng isinabit ng mga kanditato.
“Prior doon sa operation baklas meron kaming notice sa kanila, meron kaming atleast 3 days before i-conduct yung activity, na tanggalin na lang nila yung mga Illegally posted campaign materials.” pahayag ni Raymund Juan Batac, Election Officer III ng Asingan.
Aniya kailangang pasok sa tamang sukat na 3×2 feet ang poster at nakalagay sa common poster area o sa private property na pinayagan maisabit ng may ari.
Ipinagbabawal ang paglalagay ng streamer o campaign posters sa mga puno, pati na sa mga kawad ng kuryente, waiting shed, bantayog at school premises.
Maging sa mga parke, tulay, at gusali na pagmamay-ari ng gobyerno – lokal man o national.
“Paalala sa kanila sumunod na lang po yung mga organizer or yung mga supporters ng mga pulitiko natin or mismong pulitiko natin. Na magdikit or magpost sila ng mga campaign materials nila doon sa designated common poster area natin. Naglagay naman po kami sa bulletin board ng munisipyo kung saan po yung allowed at tapos dito sa opisina namin, nandyan din po yung list ng mga common poster area per barangay.” paghihikayat ni Batac.
Ayon din kay Batac, ay nasa isandaan dalawampu’t apat na iligal na election materials ng mga national candidates na ang inalis ng Task Force Baklas.
Apatnapu dito ay sa pagka-presidente, apatnapu’t walo sa pagkasenador, dalawapu’t walo sa partlist at walo naman na magkakahalo.
Paalala din ng COMELEC Asingan na bawal mangampanya sa Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo.
Kabilang sa Task Force Baklas ang mga tauhan ng Commission on Elections (COMELEC), Department Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP) at mga Utility Company.