???????? ?????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ???????? ??????? ?? ?? ??????
Muling pinaalalahanan ang mga negosyante sa bayan ng Asingan na hanggang Biyernes na lamang January 21 ang deadline o huling araw ng pagpapa-renew ng kanilang business permit upang hindi mapatawan ang mga ito ng penalty.
“Kasi po after ng deadline, twenty five (25) percent po ang babayaran nila from regulatory fees, business tax so malaki din yung twenty five (25) percent na maipapatong. So habang meron silang time at talagang dapat magrenew sila, magrenew sila po ngayon.” ani ni Licensing Officer Myla De Guzman.
Para sa mga magre-renew ng business permit, ihanda lamang ang photo copy ng barangay clearance, sedula at DTI.
“Kung meron silang DTI kasi yun na po ang kailangan ngayon at kung sakali pong may BIR silang binabayaran kailangan po namin yung book of accounts nila yung gross income ng one year from January hanggang December.” dagdag ni De Guzman
Samantala, taunan namang isinasagawa ang Business One Stop Shop (BOSS) na naglalayong mapabilis ang pagpoproseso ng mga business permit na kinukuha ng namumuhunang negosyante sa Asingan.
“Yan yung nagpapaandar ng lahat ng LGU, yung shared tax ng mga nasasakupan niya, mga business permit, license permit, tricycle permit, mayors permit at iba pang mga fees na nakokolekta. So dumedepende po sa collection kung magkakano po yung ating income at yung income na yan babalik din po sa atin na serbisyo. Gaya ng health program, ng ating DSWD program, ng Agriculture program at iba pang mga projects na nakapaloob sa 2022 budget. Nakita naman nila na hindi naman tayo nahuhuli sa mga ibang bayan kaya worthed po ang pinaghirapan nilang pera sa ating bayang Asingan.” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.