Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ???????, ???? ?????? ???? ????????? ???? ??????? ?? ??????? ???

Sep
4,
2022
Comments Off on ??? ???????, ???? ?????? ???? ????????? ???? ??????? ?? ??????? ???

 

 

??? ???????, ???? ?????? ???? ????????? ???? ??????? ?? ??????? ???
Dagdag parangal na naman ang naiuwi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Asingan matapos silang hirangin bilang Best Municipal Fire Station (Second Class) sa rehiyon uno sa katatapos na Organizational Awards 2022 na ginanap sa San Fernando La Uinon, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng BFP.
“Kasi based ito sa mga sinasubmit natin na mga reports gaya ng compliance to the anti red tape act, yung pagco-conduct natin ng inspection dito sa Asingan na me-meet po natin yung talagang kailangan ng bureau. Wala po tayong backlog hindi po tayo na-dedelay sa pagsubmit ng nga reports.” ani ni Inspector Rogelio Quizon Jr., Municipal Fire Marshal ng BFP Asingan.


Ayon kay Inspector Quizon Jr., bagong fire truck ang isa sa pangunahing pagtutuunan niya ng pansin sa kanyang liderato sa BFP Asingan.
“Kung meron tayong opportunity makakuha ng bagong bago eh di malaon po na mapapaganda po ang serbisyo natin. Because we are relying on machine po talaga eh fire truck po talaga ang kailangan natin. Sa palagay ko kasi ito yung pinakaimportante at this time kasi meron na tayong magandang fire station.” dagdag ni Inspector.
Samantala, nagpa-abot naman ng kanyang pagbati si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalan sa lahat ng mga aktibidad at programa ng nasabing fire station.
“Una sa lahat i would like to recognize the effort of the personnel of our bureau of fire most specially there fire marshals in the person of SFO4 Nerissa Bruan and SFO4 Rogelio Quizon Jr.
So malaking ambag during the time na nasa pandemic tayo, talagang nag effort ang ating Bureau of Fire na matugunan lahat ng pangangailangan ng ating nasasakupan. At yun nga ako’y nagpapasalamat sa kanila, sana nga dahil sa malaking accomplishment natin na to makita rin ng Bureau [BFP National] na kailangan palitan yung equipment natin.” pahayag ng alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top