Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ????????? ?? ????????????? ?? ???????, ?????-?????? ?? ?????????? ?? ??? ???????

Dec
19,
2021
Comments Off on ???? ????????? ?? ????????????? ?? ???????, ?????-?????? ?? ?????????? ?? ??? ???????
???? ????????? ?? ????????????? ?? ???????, ?????-?????? ?? ?????????? ?? ??? ???????
Bilang bahagi ng dalawang araw na Capacity Building na isinagawa ay dinalaw ng LGU Manaoag ang bayan ng Asingan nito lamang Biyernes, upang alamin at pag-aralan ang kanyang best practices.
“Actually benchmarking po dinalaw namin yung mga best practices dito sa LGU Asingan. Isa lang ito doon sa proposal ko na mayroon kaming isa LGU na pupuntahan, sa two days kasi yung isa GAD training namin yun. Napakaswerte namin dahil pumayag ang LGU Asingan na i-accommodate kami sa totoo lang, napaka-thankful ko dahil hindi naman magiging successful ito kung hindi kami inallow ng LGU.” ani ni Frelyn Palisoc, Municipal Accountant ng LGU Manaoag.
Kabilang sa pinuntahan ng kanilang delegado ay ang Asingan Sheltered Workshop, STAC & SPED Center, Accounting, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Materials Recovery facility (MRF).
“Yung nag urge sa akin na bumisita sa isang LGU ay para makita nila kung paano din yung maayos na flow, bakit nagiging mabilis ang transaction. Ang isa pang na-appreciate ko dito well discipline yung tao dahil doon palang sa segragation ng mga basura ang galing kaya isa din yun sa pinuntahan namin yung MRF.” dadag ni Palisoc.
Sa pagbisita naman ng delegasyon ng LGU Manaoag sa opisina ni Mayor Carlos Lopez Jr. ay nagpasalamat ito sa pagbibigay ng pagkakataon na makita ang potensyal ng lokal na pamahalaan ng Asingan lalo na maayos na pamimigay ng serbisyo sa mga tao.
“Napakaganda po ito na pagkakataon na binibisita po tayo ng ibang LGU at nagkakaroon tayo ng interaction between municipalities at nagkakaroon ng sharing ng best practices. Alam naman natin na ang Manaoag is one of the best LGUs in terms of the implementation of their programs and as well as the leadership of their Mayor, si Mayor Kim. I hope soon tayo naman ang makapunta sa kanila.” pahayag ng alkalde.
Kabilang din sa ibinahagi ni Mayor Lopez Jr. sa LGU Manaoag ay ang pagpapanatili ng good financial status ng bayan.
Kasama si Municipal Tourism Officer Michael Soliven, dinalaw din ng delegado mula Commission on Audit (COA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Information and Technology (IT) at Accounting ng Manaoag ang Epifanio Avenue, Dairy Box Asingan at Asingan Town Plaza.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top