???????? ?? ??????? ?? ???????, ??????? ?? ???; ???? ?? ??????? ?? ??????? ?? ?????????? ???????
Disyembre dise nuebe pa nagbukas ang bentahan ng paputok si Marilyn Servetillo ng Asingan, Pangasinan pero ramdam nila ang di magandang epekto sa negosyo ng pandemya.
“Medyo wala na rin bumibili masyado mahina po ngayong taon kaya bumabawi na lang po sa [December] 31 , mas malakas pa po siya noong nakaraang taon.” pahayag ni Servetillo.
Aniya may mangilan-ngilan pa rin namang bumibili ng tingi tingi gaya ng ‘bawang o dragon egg’. Ang halaga ng paputok ay mula sampung piso hanggang isanlibo walong daang piso.
Samantala ay muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Asingan sa mga magulang na huwag pabayaang gumamit ng anumang klase ng paputok ang mga menor de edad.
“Mahigpit kasi talagang pinagbabawal ang pagbebenta sa mga bata, so as much as possible yung mga menor de edad wag bentahan. Atsaka huwag kung saan saan magpapaputok, kasi di ba yung mga embers [mga baga] ng paputok kung saan saan kumakalat. Eh mamaya sa mga easy combustible material like dry leaves mga ganyan tumama yung mga yun, sunog ang aabutin. So disiplina lang ang kailangan din talaga sumunod sa mga ordinance, yung mga batas na kung saan pwede at kung kelan pwedeng magpaputok.”pahayag ni SFO4 Nerissa Montero-Bruan, Municipal Fire Marshall ng BFP Asingan.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ang Judas belt, Higad, Osama bin Laden, Goodbye Philippines, Bawang, Atomic Bomb, Super Lolo, Pillbox, Super Yolanda at iba pa.
Sa kabila naman ng mahigpit na paalala kapwa ng Department of Health (DOH) at ng Provincial Health Office (PHO) ay isang pitong taong gulang na bata mula sa bayan ng Bayambang ang naitala bilang unang biktima ng paputok nito lamang disyembre a-bente tres (December 23) gamit ang kwitis at tatlo naman ang naidagdag na fireworks related injuries nitong Sabado Disyembre a-bente singko dalawa sa mga ito ay gamit ang ‘boga at isa naman ay five star.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, ang mga naging biktima ay mula sa siyudad ng San Carlos, Dagupan at munisipyo ng Bayambang at Manaoag.
“Ang mga biktima ay nagtamo ng blast injuries sa kamay, forearm at leeg pero walang amputation. Sa ngayon ay wala pa tayong biktima ng stray bullet” dagdag pa ni Dra. De Guzman
Hinimok naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga residente na gamitin na lang sa kapakipakinabang ang pera kaysa sa pagbili ng paputok.
“Pambili na lang po ninyo ng pagkain kesa sa paputok mas maganda na lang po na umiwas tayo kaysa magsisi tayo. Ako po ay nananawagan sa mga parents na huwag pagamitin po ang mga anak ninyo. Hinihiling na sana dagdagan natin ng disiplina at pakikiisa sa programa laban sa bawal na paputok itong darating na pagcelebrate natin ng bagong taon.” pahayag ng alkalde
Binabantayan na ng Philippine National Police (PNP) Asingan ang mga bentahan ng mga paputok na walang kaukulang business permit ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.
“Actually taon taon naman ginagawa po natin ito nuh, so kung meron man na nagbebenta ng mga papuputok na hindi naka permit of course kukumpiskahin natin lahat yung kanyang tinda. Dahil ayon naman sa ating batas lahat ng may possession ng firecrakers o yung mga nagbebenta na walang permit ay illegal po yun at bawal.” saad ni Police Major Resty Ventinilla, hepe ng Asingan PNP.