Isang bagong ambulansya muli ang maidadagdag sa bayan ng Asingan matapos pirmahan ang memorandum of agreement sa pagitan ng Clark Development Corporation sa pamamagitan ng kasalukuyang Presidente at CEO Retired Brigadier General Manuel Gaerlan at ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kahapon April 7 sa Clark Freeport Zone.
“Ito yung nag-signing ceremony tayo yun sa donation bilang tulong ng aming corporation sa mga mamamayan ng Asingan, Pangasinan. Upang maibsan naman yung pangangailangan natin during the pandemic at isang ambulansya po ang aming inisponsoran, at ito naman ay inapprove ng aming board very willingly and very supportive ang mga employees and personnel ng Clark Development Corporation.” pahayag ni Retired Brig. Gen. Gaerlan,
Ayon din kay Retired Brig. Gen. Gaerlan, nakapagbigay na rin sila ng tulong medikal sa mga karating bayan kagaya ng Porac, Angeles, Mabalacat, Bamban sa Pampanga at Capas sa Tarlac.
“Yan ang mga prioirty namin dito sa paligid dahil sila yung kumbaga direktang recipients ng development dito sa Clark area. Bukod dito ay umabot din po kami ng Zambales may mga scholars kami sa Zambales and during the typhoon Odette eh umabot ng Visayas, Mindanao tulong na ipinarating namin mula sa Clark Development Corporation.” dagdag ni Retired Brig. Gen. Gaerlan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa pamunuan ng Clark Development Corporation sa pagpili sa bayan ng Asingan upang mabigyan ng bagong sasakyan.
“Isang pugay po at pagsaludo sa ating kababayan na si General Manuel Gaerlan sa kanyang pagmamahal sa ating bayan dahi naisip pa rin niya yung pagtulong sa Asingan. Ito po ay isang malaking tulong sa bayan dahil mapapa-improve na naman natin ang ating mga equipment lalong lalo na po yung serbisyo ng ambulance.” saad ng alkalde.
Ang bagong ambulansya na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso ay inaasahan na matatanggap ngayong buwan ng Hunyo at magsisilbing dagdag na response vehicles ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa ilalim ng pamununo ni ni Dr. Jesus Cardinez.
Ito na ang pang pitong ambulansya ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
Dumalo din sa nasabing okasyon sina Rommel Narciso Assistant, Vice President for External Affairs Clark Development Corporation; Atty. Joseph Jepri Miranda, Vice President for Legal Affairs Group, Clark Development Corporation; Engineer Mariza Mandocdoc, Vice President for Admin and Finance Group, Clark Development Corporation at Perry Tendero, Municipal Senior Administrative Assistant, LGU Asingan.