????? ?? ???????, ?????? ?? ??? ???? ????????; ??% ?? ??? ????? ?? ???? ???????????
Batay sa datos ng Municipal Health Office, umabot sa tatlong libo pitong daan at siyamnapu’t apat (3,794) ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa nakalipas na dalawang araw ng isinasagawang Bayanihan, Bakunahan National Covid-19 Vaccination Days.
Sa pangatlong araw ng pagbabakuna ay kabilang dito ang apatnapu’t dalawang taong gulang na Persons with Disability (PWD) na si Erwin Cabanayan ng Barangay Carosucan Sur, aniya kaya siya nagpabakuna kasama ang sampu sa kanyang kamag anak ay upang huwag makapitan ng sakit na Covid.
Sinamahan din ni Pastor Arnel Bautista ang kanyang anak at kasama sa bahay upang makapagbakuna ngayong unang araw ng Disyembre.
“Para makatulong tayo sa pagsugpo ng pandemyang ito yun lang naman ang single contribution natin di ba? Ang sumama ka dito sa vaccine. Ito yung ating bahagi para ng sa ganun eh yun nga mapigilan natin pa yung paglaganap nitong Covid at kung meron tayong agam -agam at kinakatakutan eh palagay ko isolated situation lang mga yun” ani Pastor Bautista, Chairman ng Asingan Minister Fellowship.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa apatnapu’t dalawang libo animnaraan at apatnapu’t pito (42,647) o pitumpung porsyento (70%) na ang nakatanggap ng unang bakuna habang nasa apatnapu’t siyam na porsyento (49%) o dalawampung libo pitong daan at siyamnapu’t apat (20,794) na ang fully vaccinated.
Habang nasa apat na libo anim na raan at labing lima (4,615) o pitumpu’t dalawang porsyento (72%) ng na nasa edad labing dalawa hanggang labing piton ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
“Masayang masaya kasi yun naman ang aim natin na meet na natin yung herd immunity sa ating bayan. Nagpapasalamat po ako sa mga kababayan na nagboluntaryo silang pumunta dito.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer.
Kaugnay nito, ipinapaabot naman ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at boluntaryong inihandog ang kanilang serbisyo mula sa mga tauhan iba’t ibang departamento ng munisipyo, Municipal Health Office, Ilocos Training and Regional Medical Center, Philippine Academy of Family Physicians Pangasinan Chapter na pinapangunahan ni Dr. Leornado Guerero, Asingan Community Hospital, PNP, BFP, POSG, DEP ED, Barangay Health Workers, Barangay Council & Officials, Fritsky Zumba, AZA at iba pa.