????? ?? ???????, ???????? ?? ?????? ? ??????? ?????? ????? ?? ?? ??????????? ????? ?? ???????? ?? ?????????? ?? ?????? ?? ???? ?????? ????????
Binigyan ng pagkilala ng Region 1 Medical Center (R1MC) ang lokal na pamahalaan ng Asingan dahil na rin sa natatanging ambag pagdating sa pagtugon sa kakulangan ng supply ng dugo noong simula ng COVID-19 pandemic.
“Noong pandemic as in wala po tayong MDB (Mass Blood Donation) kaya nga po binigyan po namin ng special award ang Asingan kasi sila po yung unang una na naglakas ng loob na isagawa ito. Ngayon pong July kaya po kami nagbibigay ng award kasi National Blood Donor Month so tama lang na i-recognize sila.” ani Dr. Chastity Labadia ng Region 1 Medical Center.
Aminado naman si National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) Chief Rodina Basadre na bagamat unti unti nang naibabalik ang mga pagsasagawa ng Mobile Blood Donation sa iba’t ibang parte ng Pangasinan ay malaki pa rin ang pangangailangan sa suplay ng dugo.
“Sa MBD naman po hindi po kasi everyday nagkakaroon tayo tapos minsan naman po pagnagkakaroon tayo, nakakakuha po tayo ng 30 (units), minsan po nakaka-100 (units) plus di naman po everyday pero po ang release po natin everyday po nagre-release tayo.” pahayag ni Basadre.
Ayon pa kay Basadre, nasa dalawampu hanggang apatnapung unit ng dugo ang kanilang kailangang ire-release kada araw hindi lang para sa mga Pangasinense kundi pati na rin sa mga karatig lugar gaya ng La Union, Tarlac at Baguio City.
Nagpaalala naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa kanyang mga kapwa public servant na makiisa sa ganitong uri ng mga programa.
“Actually ito eh hamon sa lahat ng Local Government Unit na tumulong sa mga ospital lalong lalo na sa pagbibigay ng dugo, dahil every now and then may mga pasyente tayo na nangangailangan ng dugo then yun din [dugo] naman ang kinukuha.” saad ng alkalde
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Lopez Jr. sa pamunuan ng Region 1 Medical Center dahil sa mga tulong na ibinibigay sa mga residente ng Asingan.
“Pagpapasalamat din sa kanila [Region 1 Medical Center] sa lahat ng pasyente na ipinupunta natin doon eh naasikaso ng maayos at nagkakaroon sila ng discount.” ani ni Mayor Lopez Jr.