????? ?? ??????? ???????? ?? ?????????? ?? ?????? ??????? ????????? ??????? ?? ????
Nasa limampung (50) bagong patient transport vehicle ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nito lamang Biyernes February 4 sa Toyota Otis in Paco, Manila.
Isa ang bayan ng Asingan sa labing limang (15) bayan sa Pilipinas na mapalad na nabigyan ng bagong sasakyang pang medikal sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng PCSO.
Inaasahan ang malaking tulong nito upang mapabilis ang pagresponde sa tuwing may mga emergency, kalamidad at sakuna.
Ang patient transport vehicle ay magiging katuwang din ng health authorities ngayong panahon ng pandemya na dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Lubos naman ang pasalalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma at Adonis Mamalio.
Dumalo sa isinagawang pagpirma ng Deed Of Donation at turn over ceremony sina Secretary to the Mayor Perry Tendero at Erwin Renaldo.
Bukod sa mga LGU ay namigay din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng kahalintulad na sasakyan sa iba’t ibang ospital sa bansa.