?????? ???????? ?? ????????????? ?? ??????, ???????? ?? ??? ???????
Naglabas ng anunsyo ang Lokal na pamahalaan ng Asingan hinggil sa bagong schedule sa pangongolekta ng basura sa mga barangay alinsunod sa 10-year solid waste management plan ng bayan.
“Diniscuss ko ito sa mga Punong Barangay natin at mga Representative nila na kung saan ito na yung bagong schedule. May mga clustered po diyan, so lahat po ng barangay makukuhanan na po ng residual garbage sa mga MRF po ng mga barangay natin.” ani Mayor Carlos Lopez Jr.
Nilinaw naman ng alkalde na tanging mga residual waste lamang ang hahakutin ng munisipyo sa bawat barangay.
” Yun po ang kokolektahin ng barangay sa mga kabahayan na ilalagay po nila sa kanilang mga MRF. At ang ating munisipyo kukunin po yan sa MRF po ng barangay ganyan po kasi yung naaprubahan na plan ng ating gobyerno, lokal na pamahalaan na naisubmit po natin sa DENR.” paliwanag ni Mayor Carlos Lopes Jr.
Hinikayat naman ni Mayor Lopez Jr. ang mga residente na ipunin ang mga basura na pwedeng maibenta sa pagbabalik ng Kalinisan Caravan ng Provincial Government.
“Hinihikayat ko po kayo na mag ipon ng mga pwedeng ipalit na mga basura para sa mga grocery item. Gaya ng bote, plastic, mga empty bottles ng shampoo, yung mga empty cans ng de lata at iba pong pwede i-recycle na ipapalit sa mga groceries atleast yung basura ma-convert po natin sa pagkain.” saad ni alkalde.