Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??????? ????? ?????? ????? ??., ??????? ?? ??????? ?????????? ?? ??????? ?????? ???????? ???? ??????

Aug
12,
2022
Comments Off on ??????? ????? ?????? ????? ??., ??????? ?? ??????? ?????????? ?? ??????? ?????? ???????? ???? ??????
??????? ????? ?????? ????? ??., ??????? ?? ??????? ?????????? ?? ??????? ?????? ???????? ???? ??????
Gaya ng kanyang ipinangako, ibinigay na ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. lang labing tatlong piraso ng violin sa Luciano Millan National High School.
“Kung maalala niyo noong bumisita tayo doon sa building nila andun yung mga bata – too eager na mag play ng violin, pero kulang yung instrumento nila. Gagamitin sana yan [bigay na violin] during the graduation ng Luciano Millan kaya lang hindi natuloy kasi naglockdown.” saad ng Alkalde.
Ayon pa kay Mayor Lopez Jr., inihanda niya ito sa muling pagbabalik ng mga estudyante para sa face to face classes ngayong August 22.
“Magagamit natin sila during programs para yung iba pang talent ng mga bata eh nabibigyan ng pagkakataon na maipakita nila.” ani ng alkalde.
Dagdag pa ni Mayor Lopez Jr. na ang lokal na pamahalaan ng Asingan ay naka-suporta sa lahat ng musical activities ng mga pampublikong paaralan.
“Hindi lang po sa Luciano Millan yan, may binagay din po ako sa Ariston-Bantog National High School na musical instrument. This is a way na we could encourage our student na magkaroon ng extra curricular activities which is to showcase their talents in instruments.” pahayag ng alkalde.
Sa kasalukuyan ay naghahanap ang Luciano Millan National Highschool ng tatlumpong estudyante na gustong sumali sa grupo.
“Yung dating mga estudyante namin kasi graduate na lahat, kasi di ba two years naman na natigil? Kasi noon ang mga kasali lang puro mga senior high so ngayon sinabi ko naman doon sa coach/trainor na start namin ng grade 7 para combination ng lahat. Para pagka-graduate ng mga upper years atleast may maiiwan pa, para hindi train ng train ng train.” paliwanag ni Jose Venenciano, Principal IV ng Luciano Millan National High School.
Nagpasalamat naman ang Principal sa mga suporta at tulong na ibinibigay ng alkalde sa kanilang paaralan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top